7 estudyante at 1 guro, patay sa avalanche sa Japan

03-28-japanNasawi ang pitong high school students at isang guro, matapos magkaroon ng avalanche sa central Japan.

Ang mga nasabing biktima ay kasama sa isang grupo ng halos 50 kataong sumabak sa mountain climbing training sa Nasu, Japan.

Rumagasa pababa ang avalance sa gilid ng bundok malapit sa ski slope sa Nasu, na inaakyat ng 40 high school students na may kasamang walong guro.

Sugatan ang 38 na iba pang kasama sa grupo, habang ang dalawa ay nasa kritikal na kondisyon.

Ngayon lang muli nagkaroon ng nakamamatay na avalanche sa nasabing rehiyon sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

Ayon sa isang opisyal ng fire department, bagaman may mga insidente ng avalanche na naitatala sa lugar, hindi naman umaabot sa ganito kalubha ang nagiging resulta.

Iimbestigahan naman ng mga otoridad kung bakit nagpatuloy ang grupo sa mountain climbing, gayong itinaas na ng local meteorological observatory ang avalanche warning sa nasabing lugar nang mangyari ang aksidente.

Read more...