Vice Mayor ligtas sa ambush sa Basilan

Sumisip-BasilanTinambangan ng armadong grupo ang convoy ng sasakyan ni Sumisip, Basilan Vice Mayor Adnan Hataman.

Sa inisyal na report ni PNP Autonomous Region in Muslim Mindanao Regional Director C/Supt. Reuben Theodore Sindac, naganap ang insidente sa Crossing Katuli, Brgy. Tumahubong, Sumisip, Basilan bandang bago mag alas-otso ng umaga kanina.

Patungo umano sa Albarka, Basilan ang grupo ni Vice Mayor Hataman ng paputukan ang kanyang convoy.

Sinabi ni Sindac na hindi pa tukoy ang motibo maging ang grupong responsableng sa pananambang.

Nakaligtas naman sa pananambang si Hataman pero sugatan ang tatlo sa kanyang security escorts.

Read more...