Dating Ambassador Lauro Baja inabswelto ng Sandiganbayan

Lauro Baja
Inquirer file photo

Inabswelto na ng Special 4th Division ng Sandiganbayan ang dating Philippine Permanent Representative ng bansa sa United Nations na si Ambassador Lauro Baja sa kasong katiwalian.

Sa resolusyon ng korte, ibinasura ang kaso ni Baja dahil walang matibay na basehan para i-convict ito ukol sa umano’y reimbursement ng fictitious o non-existent representation expenses nito sa New York City.

Batay sa impormasyon ng kaso ni Baja, umabot ng $28,934 ang na-reimburse nito mula 2003 hanggang 2005.

Kabilang na rito ang para sa luncheon sa Azure, na isang mamahaling establisimyento sa New York.

Ayon sa prosekusyon, photo copies ang dokumentong naisumite ni Baja para makapag-reimburse at iregular pa umano ang ilang dokumento gaya ng hindi pre-numbered na mga resibo.

Pero giit ng kampo ni Baja, nang mag-reimburse ito ay walang kumontra sa Departnment of Foreign Affairs o DFA at sa katunayan ay nabigyan ito agad ng clearance nang magretiro noong 2007.

Sa pasya naman ng korte, bagama’t masasabing iregular ang ilang dokumento ni Baja, hindi ito sapat para magkaroon ng conclusion na non-existent o fictitious ang gastos.

Read more...