Ito’y bunsod na rin ang kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maipagpaliban na naman ang halalang pambarangay at magtalaga na lamang ng mga barangay officials.
Ayon kay Alvarez, hindi kakapusin sa panahon ang Kamara para aprubahan ang naturang amyenda, lalo na kung ito’y ise-certify as urgent ni Presidente Duterte.
Kailangan din aniyang kausapin ng Kamara ang Senado para mapabilis ang pagpasa sa panukala.
Kinumpirma ng Speaker na nasabihan na niya ang kanyang staff na gumawa ng draft para sa pag-amyenda ng Local Government Code, at aatupagin aniya ang pagtalakay nito sa pagbabalik-sesyon sa Mayo.
Ani Alvarez, kailangan talaga na maamyendahan muna ang Local Government Code, at maaaring idagdag ang usapin hinggil sa pag-aappoint ng presidente ng barangay officials.
Kabilang pa umano sa posibleng pag-usapan ay ang pahayag ni Pangulong Duterte na magno-nominate ng tatlo, kasama ang simbahan, para mailuklok pansamantala habang hindi matutuloy ang halalan.
Sa ngayon, sinabi ni Alvarez na wala pang tumatawag sa kanyang mga mambabatas na kumukontra o ayaw sa postponement ng barangay polls.