Tatlo pang Malaysian nationals na bihag ng Abu Sayyaf Group, na-rescue ng militar

panglima estilo suluNailigtas ng militar ang tatlo pang Malaysian nationals na bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu.

Ayon sa impormasyon mula sa Joint Task Force Sulu, kinilala ang mga biktima na sina Zulkipli Bin Ali, Mohammad Ridzuan Bin Ismail at Fandy Bin Bakran.

Na-rescue ang mga biktima sa may bahagi ng Brgy Jinggan, Panglima Estino, sa Sulu.

Sa ngayon ay dinala na sa Kuta Heneral Teodulfo Bautisa Hospital ang mga biktima para isailalim sa medical check-up.

Read more...