Mga miyembro ng NPA, nagsagawa ng lightning rally sa Cubao, Quezon City

rally cpp
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagsagawa ng lightning rally ang mga miyembro ng New People’s Army sa Cubao, Quezon City kaninang umaga bilang paggunita sa kanilang ika-48 anibersaryo.

Dala ang kanilang bandila, aabot sa mahigit isandaang katao ang nagtungo at nagsagawa ng kilos protesta sa intersection ng EDSA at Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City.

Nakasuot ng berdeng damit ang mga nagsagawa ng rally sa Cubao at nakatakip ng pulang panyo ang kanilang mga mukha.

Kasabay ng kilos protesta, nanawagan ang komunistang grupo sa mga Filipino na umanib sa NPA.

Sa darating na Miyerkules, March 29 ipagdiriwang ng NPA ang kanilang 48th anniversary.

Noong nakaraang Sabado, inanunsiyo ng CPP-NPA na nakatakda silang magdeklara ng unilateral ceasefire bago matapos ang buwan ng Marso.

Read more...