Pangunguna ni Duterte sa online poll ng TIME magazine, ikinatuwa ng Palasyo

Duterte Peru2Hindi naitago ng Palasyo ng Malakanyang ang pagkatuwa sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paunang resulta ng online poll ng TIME Magazine para sa pagpili ng ‘Most Influential People in the World’ ngayong taon.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, patunay lamang ito na maganda ang pagtangap ng tao sa buong mundo sa magandang pamumuno ni Duterte lalo na sa paglaban sa iligal na droga.

Ayon pa kay Panelo, nangangahulugang positibo ang pagkilala ng mga bumoto kay Pangulong Duterte sa kabila ng ingay hinggil sa umano’y human rights violations.

Naniniwala si Panelo na ang pagiging lamang ngayon ni Pangulong Duterte sa early poll ng TIME Magazine ay dapat tingnan sa positibong anggulo at hindi dahil sa kanyang pagiging kontrobersyal.

Sa paunang resulta ng botohan, naungusan ni Pangulong Duterte sina Pope Francis, Canadian Prime Minister Justin Trudeau, RnB star Beyonce at German chancellor Angela Merkel.

Nakatakdang matapos ang online poll sa April 16 kasabay ng Easter Sunday habang iaanunsyo ang “TIME 100 list” sa April 20.

Read more...