Pagtatalaga ni Duterte sa Brgy. officials, hindi itutuloy hangga’t walang batas

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Hindi ipipilit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatalaga ng mga officer-in-charge na mga barangay officials oras na hindi matuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, walang rason para pumalag ang publiko dahil tiyak na dadaan naman sa proseso ang balakin ni Pangulong Duterte.

Maaaring nakalimutan aniya ng mga kritiko na abogado ang pangulo kung batid niya ang mga naayon at labag sa batas.

Matatandaang una nang inihayag ng pangulo na hihilingin niya sa Kongreso na magpasa ng batas para muling ipagpaliban ang Brgy. at SK elections sa Oktubre sa pangambang magamit ang pera sa iligal na droga.

Kung sakaling matuloy, ito na ang ikalawang taon na ipagpapaliban muli ang Brgy at SK elections.

Read more...