Nananatiling nasa mabuting lagay ang kalusugan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison, kaya’t handang handa na aniya siya sa susunod na round ng peace talks sa pamahalaan.
Ayon kay Sison, sa ngayon ay abala pa siya sa pagbibigay ng panayam at paglalabas ng kanilang mga pahayag, kasabay ng paghahanda niya para sa susunod na kabanata ng formal talks.
Base sa mga larawang ibinahagi niya sa Facebook, kasama niya ang kaniyang pamilya bago siya ma-discharge mula sa pagkaka-confine sa Utrecht Medical Center.
Nakaranas aniya siya ng mga pamamaga sa balat dahil sa mas mababang auto-immunity defense sa kasagsagan ng panahon ng taglamig sa Europe.
Nakatakdang magbalik sa negotiating table para sa susunod na round ng peace talks ang National Democratic Front at ang pamahalaan sa April 2 hanggang 6 sa The Netherlands.
Kamakailan lang ay inanunsyo naman nila na inihahanda na ng CPP ang pagdedeklara ng unilateral ceasefire bago matapos ang buwan.