Ayon sa pangulo, nakipag-ugnayan sa pamahalaan ang EU para imungkahi na magkaroon ng mga pasilidad kung saan maaring pumunta ang mga drug addicts at maari silang turukan ng droga ngunit sa ilalim ng masusing paggabay ng mga medical personnel.
Walang patumanggang tinawag ng pangulo ang nasabing panukala na isang “government-sponsored idiotic exercise.”
Giit ni Duterte, ang mga sinasabing pasilidad na umano’y magbibigay ng surpervised na lugar sa mga drug addicts para harapin ang kanilang addiction, ay magpapalubha lamang sa hinaharap na problema sa iligal na droga ng bansa.
Sa ganitong paraan kasi aniya ay pupunta na lamang lagi doon ang mga tao hanggang sa mga mabaliw na ang mga ito tulad ng apat na milyong kontaminado na ng iligal na droga.
Samantala, binantaan naman ni Duterte ang mga drug pushers na itatapon niya ang mga ito mula sa helicopter sa himpapawid kung hindi magsasalita ang mga ito sa kung sino ang nagsu-supply sa kanila ng iligal na droga.