Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nalulugod sila na 8 sa 10 residente ng Metro Manila ang naniniwalang mas ligtas na ngayon ang mga kalsada dahil sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Ibinida kamakailan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na 82 percent ng mga residente ang naniniwalang mas ligtas na ang kanilang paligid ngayon, base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong December 2016.
Ani Abella, nangangahulugan lang ito na “well-received” sa mga tao ang kampanya laban sa iligal na droga, taliwas sa ipinapakita ng mga kritiko ng administrasyon.
Dahil aniya dito, mas palalakasin pa ng pamahalaan ang kampanya laban sa iligal na droga.
Umaasa din si Abella na mas susuportahan ng ibang mga komunidad ang drug war ng pamahalaan dahil sa nasabing survey.