Mga nakibahagi sa Earth Hour 2017: Luzon, bumaba; VisMin, tumaas

Earth-Hour1-0321Bumaba ang bilang ng mga tao sa Luzon na nakiisa sa Earth Hour 2017, habang tumaas naman sa Visayas at Mindanao.

Batay sa Department of Energy at National Grid Corporation of the Philippines, aabot lamang sa 77 megawatts ang observed maximum load reduction sa Luzon sa kasagsagan ng Earth Hour 2017, na mas mababa kumpara sa 136 megawatts na naitala noong Earth Hour 2016.

Kapwa naman naitala ang 44 megawatts ang observed maximum load reduction sa Visayas at Mindanao sa Earth Hour kahapon.

Noong Earth Hour ng 2016, 30 megawatts ang nairekord sa Visayas, samantalang 6 megawatts lamang sa Mindanao.

Sa kabuuan, ang total observed maximum load reduction para sa Earth Hour 2017 ay 165 megawatts, na mas mababa sa 172 megawatts noong Earth Hour 2016.

Ang Earth Hour ay nag-umpisa sa Sydney, Australia sampung taon na ang nakalilipas, hanggang sa naging largest open-sourced environment campaign sa buong mundo.

Tuwing Earth Hour, mula alas-otso y medya ng gabi ay papatayin ang ilaw sa loob ng isang oras, na layong ikampanya ang pagkakaroon ng solusyon sa climate change.

Mula noong 2008, ang Pilipinas ay nanguna sa switch-off participation records at itinanghal pang Earth hour hero country.

 

Read more...