Sa isang panayam sa Bukidnon, sinabi ni Duterte na naniniwala siyang hindi sangkot si Robredo sa umano’y destabilization plot laban sa gobyerno.
Giit aniya sa kanya ni Robredo na wala siyang kinalaman sa naturang destabilization plot.
Sa katunayan, noong nakakarating lang ng pangulo mula sa kanyang official visit sa Myanmar at Thailand ay dinepensahan niya si Robredo at ipinatitigil na ang pagpapa-impeach sa pangalawang pangulo.
Sinabi ni Duterte na dapat hayaan nalang ang mga elected official na gawin ang kanilang trabaho.
Matatandaang ilang beses nang iginiit ni Robredo na wala siyang kinalaman sa planong impeachment laban sa pangulo sa kabila ng akusasyon ng mga kaalyado ni Duterte.