Senado, magsasagawa ng pagdinig ukol sa Benham Rise

benham-riseItinakda ng Senate Committee on Economic Affairs sa araw ng Miyerkules (March 29) ang pagdinig ukol sa isyu ng Benham Rise,

Sa isang statement, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na ang pagdinig ay pagpapatuloy ng March 7 hearing na kaugnay sa isang panukalang batas na inihain ni Senador Sonny Angara na layong bumuo ng tatawaging Benham Rise Development Authority.

Paliwanag ni Gatchalian, marapat na magsagawa muli ng pagdinig upang mabigyang-linaw ang usapin hinggil sa Benham Rise at para makahanap ng executive-legislative long-term strategies upang madepensahan ang sovereign rights sa teritoryo.

Ang Benham Rise, na parte ng extended continental shelf ng Pilipinas, ay naging laman ng mga balita makaraang kumpirmahin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na may namataang Chinese ship doon sa loob ng tatlong buwan noong nakalipas na taon.

Isiniwalat din ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabihan umano siya ng China na magpapadala roon ng mga barko.

Kabilang sa mga imbitado sa Senate hearing ay mga opisyal o kinatawan ng Department of Foreign Affairs at Department of National Defense.

 

Read more...