Pilipinas, naging isang “narco-state” sa administrasyong Aquino ayon kay Pangulong Duterte

Duterte VietnamSa nakalipas na 5 taon, inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na naging isang “narco state” ang Pilipinas sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa isinagawang groundbreaking ceremony ng P700-million drug rehabilitation center sa Bukidnon, sinabi ng pangulo na talamak ang shabu sa iba’t ibang panig ng bansa dahil karamihan sa mga pulitiko noon ay sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.

Aniya pa, mahigit 40 porsyento ng local government units ang pasok dito kung kaya’t naging “imbeciles” aniya ang libu-libong kataong napaikot ng mga drug lords.

Dahil dito, hindi na aniya nakakagulat na nakatanggap ng benepisyo ang nakakulong na si Senadora Leila de Lima noong siya pa ang Justice secretary.

Kaya utos aniya niya sa mga pulis, arestuhin ang mga ito at kung sakaling manganib ang buhay sa operasyon, sinabi nitong “shoot and shoot them dead before you are killed.”

Read more...