New York Knicks center Joakim Noah, sinuspinde matapos magpositibo sa doping test

JOAKIM NOAH
INQUIRER FILE PHOTO

Suspendido ng dalawampung laro si New York Knicks center Joakim Noah matapos magpositibo sa doping test.

Ayon sa NBA, nagpositibo si Noah sa Selective Androgen Receptor Modulator LGD-4033, na isang supplement na ang epekto ay kapareho sa anabolic steroids.

Si Noah ay ilang buwan nang hindi naglalaro matapos sumailalim sa operasyon ng kanyang kaliwang tuhod noong February 4.

Magsisimula ang suspensyon ni Noah sa unang NBA regular-season o playoff game.

Sa kabila nito, sinabi ng National Basketball Players Association (NBPA) na humingi na ng paumanhin si Noah sa pangyayari at handa itong makipag-ugnayan sa ginagawang imbestigasyon.

Naniniwala naman ang NBPA na walang intensyon si Noah na lumabag sa anumang polisiya ng NBA.

Read more...