Sinabi ni De Lima na isa sa mga dahilan kung bakit hiwalay ang halalan sa barangay sa national elections ay para maprotektahan ang mga ito sa pamumulitika ng mga partido.
Giit pa ng senador, ang mga barangay ang nasa harap ng pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan, kaya dapat lamang na ang komunidad ang dapat na mamili kung sino ang ihahalal.
Ani De Lima, posible ring magkaroon ng ‘stigma’ na sangkot sa iligal na droga ang mga opisyal na matatanggal at hindi maitatalaga muli.
Magugunitang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang kanyanng balak na ideklarang bakante ang lahat ng posisyon sa mga barangay at magtalaga na lamang ng mga opisyal.
Ayon kay Duterte, ito ay para maiwasang maihalal ang barangay officials na suportado ng drug lords.