Panukalang 20% discount para sa mga guro, inihain

teachers studentInihain ni A-Teacher party-list Rep. Juliet Cortuna ang panukalang magbibigay ng 20% discount sa mga guro sa lahat ng mga produkto at serbisyo sa mga pangunahing establisiyemento, restaurants, sinehan, recreation centers, transport at kabilang ang medical at dental services.

Ang nasabing House Bull 4279 ay ang School teachers Universal Discount and Courtesy Card Act.

Ayon kay Cortuna, na higit sa responsibilidad nito ang nagagawa ng mga guro.

Aniya dahil ito sa kanilang commitment ng mga ito sa kanilang mga estudyante at ang mga sakripisyo nila ay walang katumbas na halaga.

Dagdag pa niya, na hindi pa natatapos sa school hours ang trabaho ng mga guro dahil kanila pang sinusuri ang papel ng kanilang mga estudyante.

Read more...