Ang naturang House Bill ay layong amyendahan ang R.A. 8187 at mabigyan ng paternity leave ang lahat ng lalaking empleyado na kasal anuman ang kanilang trabaho na mapahaba mula sa pitong araw hanggang 15 araw ito.
Ayon kay Vargas, ipinasa ng Kongreso ang Paternity Leave Act bilang pagkilala sa responsibilidad ng mga tatay sa pangangalaga sa kanyang asawa bago, habang nagbubuntis at sa pagpanganak ng kanilang anak ngunit aniya hindi ito sapat sa mga pangangailangan ng Pamilyang Pilipino.
Dagdag pa ni Vargas na ang pag-amiyenda sa Paternity Leave Act ay magsisigurong matatamasa ng mga bawat pamilyang Pilipino ang lahat ng benipisyo nito.
Aniya ang maagang interaksyon ng tatay sa kanyang anak ay nagbibigay ng mga long-term benefits sa pagkatuto ng mga bata.
Kaugnay nito, ang naturang panukala ay nagbibigay ng opsyon sa mga empleyado na ma-extend ang kanilang paternity leave ng higit sa 15 araw ng walang bayad.
Kasama din dito sa panukala ang probisiyon na hindi dapat ibawas sa taunang leave credits ng isang empleyado ang nasabing leave.