Sinabi ito ni DSWD Sec. Judy Taguiwalo sa harap ng mga kumakalat na balita tungkol sa maaaring pagtama sa Kamaynilaan ng malakas na lindol tulad sa Surigao sa pagitan ng Pebrero at Marso ngayong taon.
Ayon kay Sec. Taguiwalo, ang bagong mantra nila ngayon sa gobyerno para sa “The Big One” ay: Plan, Prepare, Pray and Practice.
Kabilang sa kanilang paghahanda ay ang pre-positioning ng mga relief goods lalo na sa posibilidad na mapuruhan ng lindol ang kanilang mga warehouse.
Sinabi ni Taguiwalo na bagamat wala pang teknolohiya na maagang makakapagsabi kung kelan magkakaroon ng lindol, aminado aniya ang Phivolcs na hinog na ang metro manila sa isang malakas na lindol.
Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na ”on top of the situation” ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa posibilidad ng “The Big One” at patuloy ang koordinasyon nila sa Metro Manila Commission.