Saudi embassy, kinumpirma na ang umatake sa UK ay nagpunta na sa kanilang bansa

parliament attackKinumpirma ng embassy ng Saudi Arabia na ang lalaking pumatay sa apat na katao sa labas lang ng Parliament ng UK ay tatlong beses na nagpunta sa kanilang bansa at nagturo ng English doon.

Ayon sa pahayang ng naturang embahada, ang suspek na si Khalid Masood ay nagturo ng English sa Saudi ASrabia mula November 2005 hanggang November 2006 at muli noong April 2008 hanggang April 2009.

Dagdag pa ng embahada na merong work visa si Masood at muling bumalik noong March 2015 sa loob ng anim na araw sa isang booked na byahe sa pamamagitan ng isang aprubadong travel agent.

Aniya hindi inimbestigahan ng secutiy services ng Saudi Arabia ito at wala rin itong criminal record sa bansa.

Bago naging Masood ang pangalan ng suspek ay kilala ito bilang Adrian Elms na kilala sa pagkakaroon ng violent temper sa England at na-convict ng hindi baba sa dalawang beses dahil sa mga bayolenteng mga krimen.

Minaneho ni Masood ang kanyang nirentahang SUV at inararo sa mga tao sa Westminster Bridge.

Kasunod nito ay sinaksak nito ang pulis na si Keith Palmer na nagbabantay sa Parliament bago siya mapatay ng mga pulis.

Read more...