Pangulong Duterte present sa graduation ng bunsong si Kitty

Kitty1
Photo: Sec. Bong Go

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation ng kanyang bunsong anak na si Veronica “Kitty” Duterte.

Kasamang dumating ng pangulo sa Stella Maris Academy sa Brgy. Obrero sa Davao City ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña.

Bukod sa pagkakabilang sa honor roll ay tumanggap rin ng award bilang “best in current events” ang 12-anyos na anak ng pangulo.

Bago natapos ang sermenonya ay umawit rin ng “Happy Birthday” ang mga mag-aaral bilang pagbati sa pangulo na magdiriwang ng kanyang 72nd birthday sa Marso 28.

 

 

 

Photo: Sec. Bong Go

Read more...