Pangulong Duterte niregaluhan ng Rolex watch

duterte amlac
File Photo

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong nagregalo sa kanya ng rolex na relo na mayroong gold.

Sa talumpati ng pangulo sa 31st Biennial Convention of the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry sa SMX Convention Center sa Pasay City, sinabi nito hindi niya tinanggap ang naturang regalo at ibinalik niya ito.

Kapag nagkataon ayon sa pangulo, kanya lamang itong ibebenta na may discount.

Ayon sa pangulo, hindi niya kayang panindigan na magsalita na labanan ang korupsyon kung nakasuot siya ng rolex.

Sino naman anya ang maniniwala sa kanya kung kaya niyang bumili ng rolex na relo gayung kakarampot lamang ang kanyang sweldo.

Matatandaang kamakailan lamang, ibinunyag ng pangulo na mayroon ding nagregalo sa kanya ng Mercedes Benz subalit dahil sa hindi na niya maisasaoli ang sasakyan ibebenta na lamang ito para magamit na pondo ng pamahalaan.

Magdiriwang ang pangulo ng kanyang ika 72 kaarawan sa march 28.

“My birthday is coming up. Do not give me the gifts. Somebody gave me a Rolex watch, gold, in advance. I returned it. He does not want to accept it,” pahayag ng pangulo.

Read more...