Mga napatay sa Oplan Tokhang revisited, 54 na

Tokhang Parola1
File Photo

Pumalo na sa limampu’t apat ang bilang ng mga naitatalang napapatay sa Oplan Tokhang part 2 ng Philippine National Police.

Base sa datos ng PNP, walo napadagdag mula sa 46 na naitalang patay ng PNP sa loob ng dalawampu’t-apat na oras.

Pinakamarami sa mga napatay ay mula sa Region 3 na nakapagtala ng dalawampu’t apat.

Pinakamababang bilang naman ang naitala sa Regions 1, 9 at 12 na mayroon lamang tig-iisang napatay sa operasyon.

Umaabot naman sa 160,229 ang kabuuang bilang ng mga bahay na kanilang natotokhang.

Samantala, umakyat sa halos dalawampung libo ang mga sumuko sa mga awtoridad habang 3, 738 ang mga narresto na drug suspect sa isinagawang 2,345 na operasyon.

Read more...