Lalaki tumalon sa 4th floor ng Sta. Lucia Mall sa Rizal

lalaki tumalon sa sta lucia mallPatay ang isang lalaki matapos tumalon mula sa ika-apat na palapag ng Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Eric Arevalo ng Cainta Rescue, alas-dos bente sais nang maitawag sa kanila ang insidente. Bigla na lamang anyang tumalon ang biktima at nang lapitan nakita na wala itong buhay.

Hindi pa naman pinangalanan ang lalaki na nasa edad trenta hanggang kwarenta.

Isang 16-anyos na babae naman na nakilalang si Chantal de Villa ang nabagsakan ng lalaki. Dahil dito, nagtamo ang dalagita ng head trauma at injury sa kanang hita.

Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang pamunuan ng mall hinggil sa naturang insidente.

Read more...