Base sa 13-pahinang resolusyon na may petsang March 23, 2017 na inisyu ni Judge Noli Diaz ng Manila Regional Trial Court Branch 39 hindi nito pinagbigyan ang hirit na writ of preliminary injunction ng Mighty Corporation.
Kasabay nito, ibinasura rin ng korte ang civil case na inihain ng Mighty Corporation laban sa BOC dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.
Sinabi ng korte na wala silang kapangyarihan upang pagbigyan ang inihihirit na injunctive relief ng Mighty Corporation dahil ang nais nitong pigilan ay ang mga raid sa San Simon, Pampanga.
Nais kasi ng Mighty Corporation na pigilan ang BOC sa pag-iinspeksyon, paghalughog at pagsamsam sa kanilang mga produkto na nasa kanilang warehouse sa Pampanga na labas na kanilang hurisdiksyon.
Ang Mighty Corporation ay isang lokal na kumpanya ng sigarilyo na inaakusahang gumagamit ng pekeng tax stamp sa mga pakete ng sigarilyo.