Pangulong Duterte naging inspirasyon ng PNPA class valedictorian

Graduating class ng Masidlak 2017
Kuha ni Chona Yu

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang naging inspirasyon ni Philippine National Police Academy Masidlak Class 2017 Top 1 Cadet Macdum Enca.

Sinabi nito sa kanyang valedictory address na gaya ng pagkapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa katatapos na halalan, hindi rin niya inakala na mauupo bilang lider.

Bukod sa pagiging top 1 Regimeny Commander din si Enca.

Ayon kay Enca, hindi naging madali ang pamamalakad bilang pinuno ng rehimen.

Dagdag pa ni Enca, si Duterte ang kanyang naging inspirasyon sa likod ng paghihirap at mga pagsubok na dinaanan

Taos-puso rin ang pasasalamat nito sa pangulo at sa gobyerno dahil sa suporta sa kanilang lider

Panalangin ni Enca, gabayan sana ng Maykapal si Duterte tungo sa mas maunlad na Pilipinas.

Read more...