Disbarment complaint, minaliit ni Ombudsman Morales

conchita-carpio-morales“Wish them luck.”

Reaksyon ito ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa inihaing disbarment complaint laban sa kanya ni dating Manila Councilor Greco Belgica sa Korte Suprema.

Sa statement ni Carpio-Morales, sinabi nito na malaya ang kahit sino na maghain ng reklamo.

Tinatanggap aniya nito ang disbarment complaint bilang bahagi lamang ng kanyang trabaho.

Tiniyak nito na handa niyang harapin ang reklamo anumang oras at kahit saan.

Base sa disbarment complaint ni Belgica, ang rason kung bakit dapat ma-disbar si Carpio-Morales ay dahil sa pag-abswelto ng Ombudsman kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa kaso kaugnay ng Disbursement Acceleration Program o DAP.

Sa naturang kaso si dating Budget Secretary Butch Abad ang pinakamataas na opisyal ng Aquino administration na kinasuhan ng ombudsman.

Read more...