Ito ay sa kabila ng pahayag ni Philippine defense minister Delfin Lorenzana na nagsasagawa ng survey missions ang China sa 200 nautical mile exclusive economic zone sa Benham Rise.
Una nang idineklara ng United Nations na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ang malaking bahagi ng Benham Rise.
Pero itinanggi ito ng China sabay giit na dumadaan lamang ang kanilang barko sa nasabing lugar.
Sinabi pa ng Foreign Ministry ng China na nirerespeto nila ang maritime area rights ng Pilipinas sa Benham Rise.
Ilang taon nang tinatrabaho ng dalawang bansa na mapabuti ang relasyon sa kabila ng pinag-aagawang mga isla sa West Philippines.
Una na rin sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiwala siya na hindi magtatayo ang China ng anumang istruktura sa Scarborough Shoal na isa pang lugar na pinagtatalunan ng dalawang bansa.