Opisyal ng National Council on Disability, kinasuhan ng sexual harassment

sexual-harassment-feature_1024Nahaharap ngayon sa kasong sexual harassment ang Deputy Executive Director ng National Council on Disability Affairs na si Mateo Lee Jr.

Sa inihaing kaso ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay Lee, lumabag umano ang opisyal sa Republic Act 7877 mula February 2013 hanggang March 2014.

Inakusahan si Lee ng pagde-demand umano ng sexual favor sa isa sa kanyang staff.

Makailang ulit umanong kinulit ni Lee ang biktima kung kailan sila mag check-in sa hotel.

Nagpapadala rin umano si Lee sa biktima ng mga bulaklak, pagkain at sulat.

At kahit ilang beses nang tumanggi ang biktima, binibisita pa rin siya ni Lee sa bahay, sinusundan pag-uwi at kinukulit na makipagtalik sa kanya.

Dahil dito, natakot at nagalit ang biktima kay Lee.

Wala namang piyansang inirekumenda ang Ombudsman laban kay Lee.

 

Read more...