Replacement import Cory Jefferson, mistulang ‘blessing in disguise’ sa Alaska Aces

 

Mula sa PBA

Two-zero na ang score ng Alaska Aces matapos nitong talunin ang Blackwater Elite sa early elimination round sa PBA Commisioners Cup.

Nagsilbing blessing in disguise sa pagkapanalo ng Alaska si Cory Jefferson matapos ang dalawang sunod na panalo ng kanyang koponan sa eliminations.

Naka-score ang emergency replacement import ng 28 points at 15 rebounds sa laban at nagtapos sa score na 109-95.

Gayunman, naniniwala si coach Alex Compton na hindi lamang sa isang import nakadepende ang muling pagbawi ng kampeonato ng Alaska.

Giit ni coach Alex, lahat ng manlalaro ay may kanya-kanyang responsibilidad sa bawat laro na nagsisilbing susi sa ikapapanalo ng isang team.

Read more...