84 na lending firms, sinuspinde ng SEC

 

Aabot sa mahigit walumpung lending companies ang sinuspinde ng Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa kawalan ng secondary license mula sa ahensya.

Sa inilabas na pahayag ng SEC, nakasaad na kabuuang walumpu’t apat na lending companies ang walang ‘Certificate of Authority to Operate as a Lending Company’ kung kaya’t sinuspinde nila ang mga ito.

Ayon kay Arman Pan, tagapagsalita ng SEC, nag-iisyu sila ng Certificate of Registration sa mga lending company na nagsisilbing primary registration nila para makapag-operate.

Una nang naglabas ang SEC ng mahigit 300 na show cause letters, hindi lamang isang beses kundi dalawa, sa mga rehistradong kumpanya tulad ng lending pero hindi pa rin kumuha ang mga ito ng CA to Operate as a Lending Company.

Ayon sa SEC, sa 300 show cause letters, 84 ang ibinalik sa nagpadala.

Dahil aniya sa kabiguan na sagutin ang show cause letters, ang nasabing mga kumpanya ay masususpinde sa loob ng animnapung araw.

Read more...