Dela Rosa sa media: ‘Dapat patas sa pagbabalita sa anti-drug campaign’

 

Umapela si Chief PNP Ronald Bato dela Rosa ng patas na pagbabalita sa kampanya kontra droga ng Pilipinas.

Pakiusap ni Dela Rosa, huwag sanang idiin masyado ng media ang datos sa mga patayan sa bansa at huwag palabasin na masama ang ‘war on drugs’ ng administrasyong Duterte.

Giit ni Bato, kung magbabalita anya ng masama dapat may ibalita ring maganda para balanse ang pagtingin ng publiko sa sitwasyon sa Pilipinas.

Ang apela ni Bato ay matapos na manawagan naman sa media si Tourism Secretary Wanda Teo na i-tone down ang mga balita tungkol sa war on drugs at sa extrajudicial killings upang maisulong ang turismo sa bansa.

Sa pahayag ni Teo, nahihirapan umano syang ibenta ang Pilipinas sa mga turista para makahikayat ng turista dahil sa mga ulat ng extrajudicial killings sa bansa.

Read more...