Ayon sa ulat, magiging epektibo ang amnesty period simula march 29.
Bahagi ang nasabing amnesty sa kampanya ng Saudi government na “nation free of violators” na layon makatulong sa mga undocumented expatriate.
Ayon naman sa report ng Gulf news, inatasan na ni Saudi Arabia interior minister prince Mohammad ang lahat ng concerned agencies at departments na maging maluwag sa pagpapaalis sa lahat ng mga dayuhan na nais nang makalabas ng bansa.
Dahil dito, maraming undocumented na Pinoy sa Saudi Arabia na nais nang makauwi ng Pilipinas ang agad na nagtungo sa Philippine Consulate sa Jeddah para humingi ng tulong.