Dating Caloocan City Mayor Echeverri inaresto dahil sa kaso ng katiwalian

Recom Echiverri1
Photo: Isa Umali

Inaresto sa loob mismo ng Sandiganbayan si dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri na nahaharap sa kasong graft at falsification of public documents.

Ito ay dahil sa warrant of arrest laban sa kanya na inisyu ng 3rd division ng anti-graft court.

Si Echiverri ay nagtungo sa Sandiganbayan ngayong araw para dumalo sa pagdinig sa kanyang mosyon na nagpapabasura sa kasong kaugnay sa anomalya sa drainage project sa Caloocan City noong siya’y alkalde pa.

Isinilbi kay Echiverri ang warrant of arrest na inilabas ng 3rd division noon pang March 10, kasabay ang finding na may probable cause sa kanyang asunto na sapat para tuluyan siyang litisin ng korte.

Ayon sa Clerk of Court ng 3rd division na si Atty. Dennis Pulma, eksakto rin sa pagdinig ngayong hapon ay inaprubahan ng korte ang hiling ni Echiverri na nagpapababa ng halaga ng kanyang piyansa sa 50%.

Kinailangan lamang ng ex-Caloocan City mayor na maglagak ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan.

Read more...