Nagsama-sama sa Senado kanina ang ilang mga dati at kasalukuyang Senador para sa necrological services na kanilang inihandog kay dating Sen. Leticia Ramos-Shahani.
Pasado alas-dos ng hapon nang magsimula ang seremonya na pinangunahan ni Senate President Koko Pimentel.
Ang Senado ang nagpasa ng resolusyon na nagbibigay ng pakikiramay sa mga naulila ng dating mambabatas.
Malibak kay Senate President Pimentel ay nagbigay din ng kanilang eulogy sina Senador Bam Aquino at Loren Legarda ganun din ang mga nakasama sa Senado ni Shahani na sina Nene Pimentel at Jun Magsaysay.
Si Shahani ang kauna-unahang babaeng Senador na naging Senate President Pro-Tempore’ noong 9th at 10th Congress.
Siya ay naging bahagi ng Senado mula 1987 hanggang 1998 kung saan naging pinuno siya ng ilang komite na kinabibilangan ng committees on foreign relations, educations, agriculture at women and family relations.
Kabilang sa kanyang iniakdang mga batas ay ang Moral Recovery Program of 1987, ang Anti-Rape Law of 1987 at Rape Victim Assistance and Protection Act of 1998.
Bago ang nahalal sa Senado si Shahani ay naging Ambassador ng Pilipinas sa Australia noong 1981 hanggang 1986 at sa Romania mula 1975 hanggang 1980.
Humawak rin siya ng ilang matataas na posisyon sa United Nations