Impeachment complaint laban kay Robredo handa na

Robredo impeachment
Photo: Ricky Brosas

“Kailangan managot sa batas”

Iyan ang mensahe ng grupo ng mga abogado at miyembro ng academe na pawang nakasuot ng kulay itim na nagsusulong ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanilang pagharap sa pulong-balitaan sa Quezon City, ipinunto ng mga ito na matagal silang nanahimik sa mga isyu laban kay Robredo.

Subalit ang nag-udyok umano sa kanila para i-asunto na ito sa pamamagitan ng impeachment ay ang video taped report ni Robredo sa UN Commission on Narcotic drugs hinggil sa walang habas na patayan sa Pilipinas.

Iginiit din nila na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pinaplano nila.

Sa katunayan kahit may mensahe na ang pangulo na huwag nang ituloy ang balak na impeachment kay Robredo ay Hindi umano iyon magiging hadalang para isulong nila ang asunto.

Samantala, bahagya naman nagkasagutan ang panig ng mga humarap sa pulong balitaan at nang isang mamamahayag nang tanuningin ang panel kung sino ang principal may pakana sa nilulutong impeachment kay Robredo.

Read more...