Birthday wish ni Duterte: Panahon at lakas

duterte21Kaunting panahon at kaunting lakas pa.

Ito ang birthday wish ni Pangulong Rodrigo Duterte na magdiriwang ng kanyang birthday sa March 28.

Sa panayam kagabi sa pangulo sa NAIA terminal 2, hindi aniya sapat ang 24-oras para tugunan ang mga problema sa bansa.

Hinimok din ng pangulo ang publiko na magdasal para sa bayan.

Ayon sa pangulo, nais niyang makabonding sa kaniyang birthday ang pinakabagong apo na si Marko Digong Carpio na kilala rin sa palayaw na Stonefish.

Aniya pa, hindi na niya hinahangad ang mga mamahaling regalo dahil nakuha na niya ang lahat ng kanyang ninaais na bagay sa mundo.

Kung may magbibigay man aniya sa kanya ng diamante, Rolex, baril o iba pang mamahaling regalo, mas makabubuting ibili na lamang ng bigas at ibigay sa mga mahihirap

Sa ganitong paraaan ayon sa pangulo, mas maliligayahan pa siyang ipagdiwang ang kanyang ika-72 na birthday.

Read more...