Lalaki, nasagasaan ng tren sa Maynila

File photo
File photo

Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos masagasaan ng tren ng PNR sa Tuyuman Crossing sa Sta. Cruz, Maynila.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya galing Tutuban ang tren at patungo ng Alabang ng maganap ang insidente.

Sinabi ng mga saksi na habang paparating ang tren dumating ang biktima at dumapa sa riles.

Dahil dito, tuluyan na itong nasagasaan ng tren at nakaladkad pa.

Huminto din naman ang tren matapos ang insidente pero makalipas ang ilang sandali ay itinuloy ang byahe.

Read more...