Muling dinepensahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo laban sa mga bumabatikos sa kaniya kaugnay ng impeachment complaint laban sa pangulo.
Sa kaniyang pag-uwi dito sa bansa mula sa kaniyang pagbisita sa Myanmar at Thailand, iginiit ni Duterte na dapat nang itigil ang pagdawit kay Robredo sa nasabing impeachment case laban sa kaniya.
Ayon kay Duterte, kakatapos lang ng eleksyon at halal na opisyal si Robredo kaya dapat nang itigil ang mga isyu laban sa pangalawang pangulo.
Matatandaang isa si Robredo sa mga idinadawit sa umano’y destabilization plots laban sa administrasyong Duterte dahil sa pagiging kritiko niya sa ilang mga hakbang sa pamumuno ng pangulo.
MOST READ
LATEST STORIES