Muling pina-subpoena ng Sandiganbayan 5th division si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado para tumestigo laban kay dating Makati Mayor Elenita Binay.
Ito ay para sa kasong katiwalian ni Binay kaugnay sa maanomalyang pagbili ng panel fabric partition at connector brackets para sa furnishing ng gusali ng Makati City Hall na sinasabing overpriced sa halagang mahigit P21 Million.
Si Mercado ay pinahaharap sa hearing ng kaso ni Ginang Binay sa March 29, 8:30 ng umaga.
Ang dating alkalde ay dati nang humarap sa Sandiganbayan para tumestigo sa kaso ni Binay pero hindi ito nakasipot sa korte dahil sa kanyang medical condition.
Samantala, si Ginang Binay ay humingi ng permiso sa 5th division para makabiyaheng pa-abroad.
Sa kanyang motion to travel, nagpapaalam si Binay na pupunta siya ng Osaka at Tokyo, Japan mula April 1 hanggang 8 para sa magbakasyon.