LPA malapit sa Aurora, nalusaw na

Nalusaw na ang namataang low pressure area (LPA) malapit sa lalawigan ng Aurora, pero magpapatuloy pa rin ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon sa PAGASA, bagaman nalusaw na ang LPA sa timog na bahagi ng Baler, Aurora, makakaranas pa rin ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang nasabing lalawigan, pati na ang Cordillera Administrative Region (CAR), at Cagayan Valley.

Patuloy namang naaapektuhan ng easterlies ang eastern section ng Visayas at Mindanao.

Bahagyang maulap hanggang maulap naman ang papawirin, na may kasamang manaka-nakang pag-ambon ang mararanasan sa mga nalalabing bahagi ng bansa.

Read more...