Malakas na ulan, mararanasan sa Aurora dahil sa LPA

Makakaranas ng malakas na pag-ulan at pulu-pulong pagkulog at pag-kidlat ang Aurora, Quezon at Isabela dahil sa low pressure area.

Huling namataan ang LPA sa 55 kilometers South ng Baler, Aurora. Dahil dito, binalaan ang mga residente sa Aurora na posibleng magkaroon ng mga flashfloods at landslides dulot ng malalakas na ulan.

Samantala, maulap din ang papawirin sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, iba pang bahagi ng Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon, na magdudulot ng mahina at pulu-pulong pag-ulan.

Makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang nalalabing bahagi ng bansa na may kasamang manaka-nakang mga pag-ambon o pag-kulog at pag-kidlat.

Read more...