Alejano kay Duterte: Ano nangyari sa ‘jet ski’ statement noon?

 

Inquirer file photo

Mistulang kinutya ni Magdalo rep. Gary Alejano si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkabigo nitong tuparin ang ipinangako na magji-jet ski patungong Spratlys sa West Phlippines o South China Sea upang itayo ang bandila ng Pilipinas doon sa oras na siya ang manalo sa eleksyon.

Sa isang statement, sinabi ni Alejano, na dapat ipahiram na lamang sa kanya ng pangulo ang kanyang jetski at siya na ang gagamit.

Ito aniya ay kinakalawang na dahil hindi ginagamit ng pangulo sa kanyang pangakong tutungo sa Spratlys upang igiit ang soberenya ng bansa.

Giit pa ni Alejano, hindi totoong walang magagawa ang Pilipinas sa pag-angkin ng teritoryo ng China tulad ng nabanggit nito sa isang interview.

Ayon sa mambabatas, maraming non-military at non-confrontational na paraan na maaring gawin ang pangulo upang ipahatid ang hinaing sa mga hakbang ng China.

Ang problema lamang aniya ay ayaw itong gawin ng pangulo.

Maari aniyang magpadala ng mga barko ng coast guard sa pinag-aagawang teritoryo o di-kaya ay mga research vessels upang maipakitang bahagi ng ating teritoryo ang naturang lugar.

Read more...