Travel at tourism industry, nagdagdag ng P2.85 trilyon sa GDP

 

Inquirer file photo

Umaabot sa P2.85 trilyong piso ang naiambag ng travel and tourism industry sa kaban ng bayan para sa taong 2016 na katumbas ng 19.7 ng gross domestic product ng Pilipinas.

Ito ang lumabas sa ulat ng World travel and tourism Council (WTTC).

Sa naturang ulat, inaasahang tataas rin ng ng 7.8 percent ang kabuuang kontribyusyon ng turismo para sa taong ito .

Inaasahang magkakaroon pa ng 5.3 percent na taunang increase o P5.3 trilyon hanggang sa taong 2027.

Kasama sa mga nagbibigay sigla sa larangan ng turismo na nakakatutulong ng malaki sa GDP ay ang mga airline, passenger transportation hotel at maging mga restaurant industry.

Pagsapit ng 2027, inaasahang aabot sa 10.8 milyong mga turista ang papasok sa bansa na magbibigay ng P676.1 bilyong revenue sa Pilipinas.

Read more...