‘Speaking engagement’ ni Mocha Uson sa Philippine Army, nabitin

 

Hindi na natuloy ang nakatakda sanang ‘guesting’ bilang resource speaker ng kontrobersyal na singer-blogger na si Mocha Uson sa isang leaders’ conference sa Philippine Army kahapon.

Ito’y matapos mag back-out umano si Uson sa kanyang commitment upang hindi na makaladkad pa sa kontrobersiya ang Philipipne Army.

Paliwanag nito, humingi na siya ng paumanhin kay Army Chief, Lt. Gen. Glorioso Miranda dahil sa kanyang desisyon na huwag nang dumalo sa okasyon.

Si Mocha Uson sana ang magsisilbing resource speaker sa Senior Leaders Conference kahapon sa Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig.

Kasabay ito ng ika-120th anniversary ng Philippine Army.

Gayunman, umani ng batikos sa social media ang pag-imbita ng Army sa kontrobersyal na Duterte supporter .

Giit ng mga netizens, hindi karapat-dapat na magsilbing speaker sa isang importanteng event ang blogger dahil sa pagiging kontrobersyal nito at nagpapakalat ng mga pekeng balita.

Gayunman, ayon sa isang source ng Inquirer.net, noong araw pa ng Linggo kinansela ng Army ang imbitasyon ni Uson dahil sa negatibong reaksyon ng publiko at sa mga banat nito sa social media.

Hinayaan na lamang umano ng institusyon si Mocha na sabihin na siya mismo ang umatras na maging resource speaker upang mabigyan ng ‘graceful exit’ ang singer.

Read more...