Abu Sayyaf member sumuko sa Sulu; isa pa arestado sa Basilan

 

Isang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang sumuko sa militar dahil umano sa takot na siya na ang sunod na mapuntirya ng operasyon ng tropa ng pamahalaan.

Kinilala ni Western Mindanao Command Spokesperson Capt. Joan Petinglay ang ASG member na si Absara Mursalin Akbara alyas Talin Amsang, 41 anyos residente ng Talipao, Sulu.

Isinuko rin ni Akbara ang armas nitong M16 rifle.

Si Akbara ay miyembro ng ASG Sub-Group na pinamumunuan ni Jihad Susukan, na nag-ooperate sa mga munisipalidad ng Talipao, Maimbong and Indanan sa probinsya ng Sulu.

Samantala, arestado ang isa pang miyembro ng ASG na kasapi naman ng grupo ni Furuji Indama.

Nahuli ito ng mga tauhan ng 18th Infantry Battalion sa Barangay Bohe Pahu, Ungkaya Pukan, Basilan Province kahapon ng umaga.

Read more...