Ama ng Cebu road rage suspect, nasangkot rin sa vehicular accident kamakailan

 

Ador Vincent Mayol/CDN

Kamakailan ay nasangkot sa isang aksidente sa kalsada si David Lim Sr., ang ama ng suspek sa insidente ng road rage sa Cebu City.

Naganap ang nasabing aksidente na nakapatay sa isang motorcycle rider sa Cebu City noong nakaraang March 4.

Hindi na inilabas ang pangalan ng biktima pero ayon sa kanyang pamilya, kinokonsidera nila ang paghahain ng reklamo laban kay Lim.

Sinabi naman ng abogado ni Lim na handa silang magbigay ng tulong sa pamilya ng naturang biktima.

Noong nakaraang Linggo, nasangkot sa road rage incident ang anak ni Lim na si David Lim Jr., sa Barangay Kamputhawn kung saan ilang beses nitong binaril ang nakaalitan na nurse na si Ephraim Nuñal sa kanyang binti at paa.

Nag-viral sa social media ang kuha sa isang dashcam video ng nasabing pamamaril ng nakababatang Lim kay Nuñal.

Kasabay nito, ibinunyag ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña na kamag-anak ni Lim ang hinihinalang drug lord sa Visayas na si Peter Lim.

Read more...