Job approval rating ni Trump, patuloy na bumubulusok

 

Mula sa Inquirer

Patuloy ang pagbulusok ng job approval rating ni US President Donald Trump.

Sa pinakahuling ‘Gallup poll’ ay bumagsak na sa 37 percent ang job approval rating ni Trump na mas mababa ng 6 na porsiyento kumpara noong nakaraang linggo.
Ayon sa mga eksperto, lalo pa itong naapektuhan dahil sa mga nakaraang pahayag ng US president sa imbestigasyon ng US Congress sa umano’y koneksyon ng ilang mga naging campaign associates sa Russia.

May ilang buwan na ring kinukuwestyon ang koneksyon ni Trump sa US president sa Russia dahil sa ‘pakikipagmabutihan’ umano nito sa Moscow.

Iginigiit naman ng White House na wlaang katotohanan na nakipag-ugnayan ang campaign team ni Trump sa Russia noon upang ma-hack ang impormasyon sa databse ng Democratic group.

Read more...