OSG inakusan ng kampo ni De Lima ng manipulasyon sa kaso

Supreme court session
Photo: Erwin Aguilon

Sa pagpapatuloy ng oral argument sa Supreme Court kaugnay sa pagkuwestyon ng kampo ni Sen. Leila De Lima sa pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa kanya ay nanindigan ang kampo nito na walang factual na basehan ang paratang ng Office of the Solicitor General na depektibo ang pagkaka notaryo sa inihain nilang petisyon

Ayon sa press statement ni De Lima, nakipagkita siya sa notaryo publiko sa Kampo Crame para lagdaan at panumpaan ang nasabing petisyon noong araw na dinala siya sa PNP custodial center.

Sa katunayan ayon sa kampo ni De Lima ay nasa Camp Crame na ang notary public ng dalhin doon ang senador noong February 24.

Iginiit ng kampo ng nakakulong na senador na desperado na OSG dahil sa palagian nitong inaatake ang teknikalidad ng reklamo sa halip ang merito nito.

Nauna nang sinabi ng Office of the Solicitor General na imposibleng makapanumpa sa notaryo ang mambabatas dahil meron silang patunay na walang notary public na nagpunta sa PNP custodial center noong February 24 base sa record ng Camp Crame.

Sa pagpapatuloy ng oral argument ay bumuhos sa harapan ng Supreme Court sa Maynila ang mga tagasuporta at mga kritiko ng nasabing mambabatas.

Read more...